Biyernes, Marso 3, 2017

El Filibusterismo

KABANATA XXV:
Tawanan at Iyakan


 I. Buod
Labing-apat na binata ang nagtipon sa Pansiteria Macanista de Beun Gusto. Sila ay nagbiruan, kumain at nagsaya ngunit halata sa kanila na pinipilit nilang maging masaya dahil sa kanilang kabiguan na makamit ang kanilang hangarin na magkaroon ng paaralan n nagtutura ng wikang Kastila. Ang mga handang pagkain ay kanilang inalay sa mga prayle at kay Don Custodio sa pamagitan ng pagkukumpara nito sa kanila. Sa ganitong paraan ay kanilang inilabas ang kanilang sama ng loob. Nagkaroon din sila ng talumpati na pinamunuan ni Tadeo na gumamit o sununod ng talumpati ng pinuno ng Liceo na tinutulan ni Sandoval ngunit nagpatuloy parin si Tadeo. Sa huli ay nauwi sa kaguluhan dahil mayroon daw nakikinigat nagmamatyag sa kanilana nakilala nila sa katauhan ng paborito ni Pade Sibilya.

II. Tauhan

a.) Sandoval - siya’y isang tunay na espanyol na nakikiisa sa adikhain ng mga estudyanteng Pilipino na magkaroon ng paaralan na nagtuturo ng Kastila.
b.) Tadeo -  isang tamad na mag-aaral
c.) Isagani - isang mag-aaral at pamangkin ni Padre Florentino
d.) Makaraig - isang mag-aaral ng abogasya at nangunguna sa hangarin ng pagbubukas ng paaralan na nagtuturo ng wikang Kastila
e.) Pecson - isang matalino at mapanuring mag-aaral

III. Suliranin
         Ang suliranin na hinaharap sa kabanatang ito ay ang kalungkutan na nararamdaman ng mga binata dahil sa kanilang kabiguan na makamit ang hinahangad na magkaroon ng paaralan na nagtuturo ng wikang Kastila. Maraming emosyon ang makikita sa kabanatang ito dahil dito nila nilabas lahat ng kanilang emosyon ang kalungkutan, galit, at pagkadismaya pero  hindi ito nahahalata dahil ang emosyon na kanilang ipinapakita ay ang pagiging masaya nila sa salo-salohan at kahit na sila'y nagsasaya ay mahahalata sa kanila na pinipilit lang nilang maging masaya.

IV. Isyung Panlipunan  

Dahil sa pagiging tamad ng mga tao ay nauuwi sila sa paggawa ng mga maling bagay tulad ng ginawa ni Tadeo ng pagkopya ng sinabi ng ibang tao ng walang permisyo ng may-ari na isang kasalanan at mali. Isa sa mga sakit ng mga Pilipino na masasabi kong isang isyung panlipunan ay ang pagsasalita ng hinding mabuting bagay tungkol sa ibang tao tulad ng ginawa ng mga binata sa mga prayle at kay Don Custodio sa pamagitan ng pagkukumpara nito sa pagkain.

V. Gintong Aral

A. Hindi sa lahat ng panahon ay tayo’y nananalo. Kaya kapag tayo’y natalo ay dapat natin ito tanggapin ng buong puso.
B. Maging masaya kahit na ika’y humaharap sa kalungkutan at kahirapan, magiging patunay ito na ika’y naging matatag at magiging matatag sa kahit anong problemang haharapin.